海外扶養親族特定還付手続きサポートのパイオニア
総合窓口
TEL
03-3519-2191
HOME
Business
About
Remittance
Companies
Contact
Philippines (Tagalog)
Pagkonsidera sa kaso ng asawang banyaga
(kabilang ang kaso ng nagpalit na ng pagkamamamayan) Pagbabalik ng Tax na binayaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamilya at mga kamag-anak na may kaukulang pagkakakilanlan na nabibigyan ng supportang pangkabuhayan.
“Nagpapadala ka ba ng pera sa pamamagitan ng overseas remittances upang makatulong at masuportahan ang pamilya at mga kamag-anak mo sa kanilang pang araw-araw na kabuhayan?
Sa katunayan, sa kabila ng pagkakaroon ng malaking pamilya at maraming kamag- anak na nakakatanggap ng suportang pangkabuhayan mula sa panig ng Japan, ay ang katotohanang ang estado ng hindi patas na pagbubuwis ay napanatili at napabayaan na sa loob ng mahabang panahon. Pwede ninyo kaming tanungin tungkol sa mga bagay na ito. Ipakikita namin sa inyo ang mabisang paraan upang humantong sa kalutasan sa kaalaman ng pag-iisip batay lang sa obserbasyon at karanasan ng estado noon (empirical theory) na naaayon sa Article 122 ng Income Tax Law at ng Article 74 ng General Tax Regulations Law, na sa napakaraming taon ay aming binigyang pansin at diin sa pamamagitan ng mahusay at wastong pagkaunawa.
Sa pagbabago ng pamantayan ng pagsusuri ng National Tax Office na may kaugnayan sa pagpapadala ng suportang pinansyal sa pamilya at kamag-anak, na nagsimula ng taong 2016 hanggang sa kasalukuyan ay kinakailangang magpadala ng halagang gastos sa pang araw-araw na buhay sa bawat isang miyembro ng pamilya (bukod sa regular mong pinadadalhan) na maaaring ideclare na dependents. Wala pang malinaw na patakaran ng halaga ng remittances para sa mga karagdagang beneficiaries. Ang pinakamahalaga ay nagpadala o nagpapadala sa bawat isa sa mahigit na dalawa o mahigit na tatlong miyembro ng pamilya.
Ibat-ibang papeles, mapalocal (dito sa Japan) at mapaibang bansa (sa sariling bansa) ang kailangan, at ang mga papeles na ito ang magpapatunay na sila ay magkadugo hanggang sa ika-3 antas ng pagiging magkamag-anak kasabay ng pagpapakita ng mga
katibayang papeles na nagpapadala ng suportang pangkabuhayan upang makagawa ng tax refund para sa income tax at sa pagsasaayos ng special income tax returns sa mga nakalipas na 5 taon ng binayarang buwis sa ilalim ng nasasakupang lugar ng tirahan. Binawas na ang buwis (withholding tax) ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mula sa sweldong tinatanggap ng isang empleyado at direkta ng ibinabayad ng
kumpanya sa kaukulang lugar ng Tax Office (national tax). Ganon din sa tax na binabayaran sa municipyo, ward office, etc. sa lugar na tinitirahan, ay maaari ding
makatanggap ng refund o kabawasan sa local tax (resident or inhabitant tax) na binawas sa sweldo at ibinayad ng kumpanya sa municipyo, ward office, etc. kasabay ng national tax.
Tungkol sa pamamaraan ng"dependent deductions"na may kinalaman sa pamilya at mga kamag-anak na binibigyang tulong pinansyal sa panig ng foreign spouse, ito ay pribado subalit ito ay magkakaroon ng katuparan sa pamamagitan ng pagtugon at pagkumpleto sa mga kinakailangang papeles.
Mayroong isang batas ordinansa na may limitasyon sa mga nakaraang inihain na"final filed declarations". Subalit itong nakalipas na 5 taon ay wala ng batas na tuntunin na gaya ng itinakda noon.
Upang makalikha ng isang mabuting pamamalakad na kung saan ang full time tax company at ang kanilang mga tax accountants at ang aming kumpanya, ay makapagpatuloy at magkaroon ng isang maayos na tax agency, ang kumpanya namin ay nakakatanggap ng kaukulang kabayaran mula sa aming pinagsilbihang mga kliyente. Sa mga ibat- ibang papeles at dokumentong galing sa sariling bansa, ay nakapagbibigay kami ng detalyado at wastong patnubay at gabay hinggil sa mga pagsasalin nito, ganon din ng isang matapat at mapagkakatiwalaang mga payo na maririnig ninyo sa amin kahit sa ano mang bagay na gusto ninyong itanong at malaman.
Ang tax company at tax accountants na bihasa na sa ganitong serbisyo at hanapbuhay na gumagawa sa bawat buong isang taon ng filing ng tax return sa takdang buwan at petsa ng pag pafile (tuwing Feb. 15 – Mar. 15) ay walang kinalaman sa gagawin naming pagpoproceso kung ang pagbabatayan ay petsa ng filing of income tax return o refund. Kahit anong buwan at petsa sa buong isang taon ay makapag-aaply dito sa aming kumpanya basta at makatutugon sa lahat ng kinakailangang papeles na nararapat sa pagpapahayag ng pamilya at mga kamag-anak na binibigyan ng overseas pinansyal na tulong. Pag nangyari ito, ang municipal tax na binayaran ay maibabalik din.
Ang detalye ay nagkakaroon ng kaunting pagbabago hinggil sa mga kinakailangang dokumento at ganon din sa sitwasyon ng bawat isa. Kaya't mangyaring magtanong lamang sa amin anumang oras.
Matapos matanggap ang mga pangunahing kinakailangang dokumento, at iba pa na dapat ihanda dito sa Japan, ay bibigyan namin kayo ng detalyado at malinaw na impormasyon kung ano na ang status ng inyong mga papeles at kung ano na ang susunod na gagawin. Kung kulang pa ang naibigay na papeles ay kaagad agad namin itong ipaaalam sa inyo sa pamamagitan ng sulat at telepono.
Ganon pa man, mangyaring makipag ugnayan lamang sa amin anumang oras kung mayroon pa kayong ibang katanungan, at siguradong makakatanggap kayo ng maayos, maliwanag at wastong kapaliwanagan na gusto ninyong malaman at mapakinggan.
PARA SA MGA FILIPINO, JAPANESE WORKERS WITH FILIPINA OR
FOREIGN WIVES AT PARA DIN SA MGA MAY SARILING NEGOSYO!!!
Maibabalik ang lahat ng tax na binayaran ninyo sa nakaraang
5 taong pagtatrabaho at pagnenegosyo. Libreng konsultasyon sa telepono.
OPEN MON-FRI 10:00AM - 6:00PM
CLOSED ON SATURDAY, SUNDAY & NATIONAL HOLIDAYS
Amount of refundable Tax will be assesed by the Tax Lawyer
INCOME & RESIDENCE
TAX REFUND
FOR PAST 5 YEARS
Beware of those offices who give advices that it's up to them if you
don't have any documents such as birth certificates, etc and specially
if you're not doing any bank remittances. There's another form of legal
ways but not those fake documents.
・Kung ikaw ay Filipina Wife, pwede ring maibalik
ang tax na binayaran ng Japanese husband.
・Kahit ano ang status ay pwedeng makapag-apply
(Engineer, Nikkeijin, Skilled Worker, Teacher, etc.)
・Sa mga may sariling negosyo, depende po ito sa
status ng kompanya.
・Sa mga nasa malayong lugar na hindi makakapunta sa aming opisina, maaari tayong makapag-ugnayan sa pamamagitan ng sulat at telepono lamang.
・Huwag mag-atubiling tumawag agad, at makakaasa kayong magkakaroon ng wasto at maayos na kasagutan ang anumang impormasyong gusto ninyong malaman.
CALL FIRST FOR AN APPOINTMENT
INTER DO FIRM, INC.
Translation & Tax Refund Processing Office, Call Precy first!
FREE CALL: 0800-888-0111
Kashiwabara Lawyer's Bldg. 2F 1-9-10 Nishishimbashi Minato-Ku Tokyo 105-0003
JR/Shimbashi Station Hibiya Exit or Subway Ginza Line/Toranomon No. 1 Exit
Pangalan ng Kalakalan
Inter Do Firm, Inc.
Lokasyon
Kashiwabara Lawyer's Bldg. 2F 1-9-10 Nishishimbashi Minato-Ku Tokyo 105-0003
TEL: (03) 3592-5152 FAX: (03) 3519-2192
MOBILE (SB): 090-1256-2549
E-mail : precy@idfi.co.jp
Paglalarawan ng Negosyo
・Pagkonsulta sa refund ng buwis batay sa pagkilala sa
mga dependents na nakatira sa ibang bansa
・Gawain sa pagpapakahulugan at pagsasalin
・Registered Support Organization No.19-002217
Itinatag
March 23, 1998
Kapital
10 Milyon
Kinatawan
Pangulo : Shuichi Kudo
Bank
・Resona Bank
・Sumitomo Mitsui Banking Corporation
・Shiba Shinkin Bank
Pakikipag-ugnayan
Tokyo Chamber of Commerce Member
Sang-ayon sa Article 2, Paragraph 3 ng "Act on Fund Settlement"
Ilan sa listahan ng mga nakarehistrong
Remittance Companies
Pwedeng magparehistro sa mga nakatalang kumpanya na nakasulat. Malalaman kung magkano ang halaga ng yen to peso, ganon din kung magkano ang bayad sa kaukulang halaga ng ipapadala at gaano katagal bago matanggap ang ipinadalang halaga. Iba-iba ang kanilang pamamaraan, kaya't matapos malaman ang umiiral na patakaran at kondisyones ng bawat remittance companies ay piliin kung alin ang madali at may simpleng pamamalakad ng pagreremit ng suportang pinansyal para sa pamilya at mga kamag-anak sa sariling bansa.
Trans Remittance Co., Ltd./LBC REMIT EXPRESS
1-3-14, Asakusabashi, Taito-ku, Tokyo
TEL:03-6869-9999/Softbank:080-4360-4236
http://www.transremittance.com/
SBI Remit Inc.
1-6-1, Roppongi, Minato-ku, Tokyo,
Izumi Garden Tower 13F
TEL:03-6229-0792
Seven Bank, Ltd.
1-6-1, Marunouchi, Chiyoda-ku, Tokyo,
Marunouchi Center Building
TEL:03-3211-3060
Speed Money Transfer Japan Co., Ltd.
2-13-4, Kotobashi, Sumida-ku, Tokyo,
9th floor, Kinshicho City Building
TEL:03-6869-8555
Japan Remit Finance Co., Ltd. (JRF)
1-2-15, Hamamatsucho, Minato-ku, Tokyo
TEL:03-5733-4337
I-REMIT JAPAN Co., Ltd.
3-18-7, Higashi-Ueno, Taito-ku, Tokyo,
Ueno Building 3F
TEL:03-5812-0203